Ito ay isang pahina sa web.

Wala ka namang masyadong makikita dtto.

Salita lang.

At binabasa mo ang mga ito.

Tayo ay nabaliw na sa mga bonggang disenyo, responsive layout, at mga script na gumagawa ng mga kagila-gilalas na mga bagay.

Ngunit ang pinakamakapangyarihang kasangkapan pa rin sa web ay ang mga salita.

Sinulat ko ang mga salitang ito, at ito’y iyong nababasa: at iyon ay kahanga-hanga.

Ako ay nasa isang maliit na lungsod sa British Columbia; ikaw malamang ay nasa ibang dako ng mundo. Sinulat ko ito sa umaga, ika-dalawampu ng Hunyo, dalawang libo at labing tatlo; binabasa mo ito marahil sa ibang panahon. Isinulat ko ito sa aking laptop; maaring binabasa mo ito sa iyong telepono, tablet, o desktop na kompyuter.

Tayong dalawa ay nagkaroon ng pagkakataong mag-ugnay dahil sinulat ko ito at binabasa mo ito. Sa kabila ng ating magkaibang lokasyon, aparatong ginagamit, at time-zone nakakapag-ugnay tayo rito, sa isang simpleng pahina gawa sa HTML.

Isinulat ko ito sa isang text editor. Ang sukat nito ay 6kB. Hindi ko kinailangan ng Content Management System, isang graphic designer, o software developer. Wala masyadong code sa pahinang ito, mga simpleng mark-up lamang para sa mga talata, herarkiya at pagbibigay-din.

Naaalala ko nang aking tinuruan ang aking anak na babae na magsulat ng HTML nang siya ay walong taong gulang pa lamang. Ang unang isinulat niya ay isang salaysay tungkol sa isang squirrel. Hindi talaga sya nagsusulat ng HTML; sya ay nagbabahagi ng isang bagay sa mundo. Hindi siya makapaniwala na maaari siyang magsulat ng isang istorya sa aming kompyuter sa bahay at mai-publish ito upang makita ng buong mundo. Sa totoo lang, wala naman talaga syang pakialam tungkol sa HTML, ang nais nya lamang ay maibahagi ang kanyang kwento.

Nagbabasa ka pa rin.

Isipin mo ang lahat ng bagay na iyong maihahayag at masasabi sa pamamagitan ng isang simpleng pahina tulad nito. Kung isa kang mangangalakal o negosyante, maari kang magtinda ng bagay or serbisyo. Kung isa kang guro, maari kang magturo ng kung-ano. Kung ikaw ay isang alagad ng sinig, maaari mong mai-tanghal ang iyong obra. At kung mainam ang iyong mga salita, babasahin ito ng mga tao.

Kung ikaw ay isang web designer, o isang kliyente na nagpapagawa ng disenyo sa isang web designer, nais kitang hamunin na mag-isip muna ng mga salita. Sa halip na magsimula ng isang style guide o Photoshop mockup, mag-umpisa ka sa mga salita na syang magiging laman ng pahina.

Ano ang nais mong sabihin at ipahatid? Kung hindi mo alam, walang silbi na idagdag ang kung anu-anong bagay. Umpisahan mo sa isang pahina na may isang bagay na tinutumbok. Isulat at i-publish mo iyon, tapos muli mong balikan. Tuwing may ilalakip kang elemento, tanungin mo ang iyong sarili: makakatulong ba ito sakin na maihayag ng mas mabuti ang aking nais? Makakatulong ba na lalong maintindihan ng mga tao ang iyong mensahe kung idadagdag mo ang panibagong palamuti, litrato o hyperlink? Kung ang sagot ay hindi, wag mo nang idagdag pa.

Sa pinaka-purong anyo, ang pagdi-disenyo ng web ay dapat tungkol sa mga salita. Hindi inilalagay lamang ang salita matapos gawin ang disenyo. Salita ang umpisa, ang buod, ang pinagtutuunan ng atensyon.

Umpisahan mo sa salita.

Pagbati,
Justin Jackson
@mijustin

Do you like to make stuff on the web? Subscribe to my newsletter.

Translations